Bilang isa sa #HappyKaarawanGoals ni Mayor Ferdie V. Estrella, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ng Baliwag City Health Office (CHO), ang Free Flu and Pneumonia Vaccination para sa mga Baliwagenyo na sinimulan noong ika-2 ng Setyembre, sa mga Rural Health Units (RHUs) sa lungsod.

Ayon sa pinakahuling tala ng CHO, umabot sa 2,370 Baliwagenyo ang nabakunahan mula nang sinumulan ang programa bilang hudyat ng pagdiriwang ni Mayor Ferdie ng kaniyang 45th Birthday Celebration. Sa kabuuang bilang na ito, 600 Baliwagenyo ang nabigyan ng bakuna laban sa flu, at 1,770 naman ang nabigyan ng bakuna laban sa pneumonia.

Dahil nais ni Mayor Ferdie na lahat ng Baliwagenyo ay ligtas at malusog, taon-taon ay naghahandog siya ng ganitong programa upang mapanatili ang kalusugan ng bawat isa, lalo na ang mga senior citizens at mag Baliwagenyong may mahinang resistensya na madaling kapitan ng sakit.

Layunin ng programang ito na hindi lamang maprotektahan ang komunidad laban sa mga karamdaman, kundi upang patuloy na itaguyod ang isang malusog at masiglang pamayanan. Sa pamamagitan ng hakbang na ito, masisiguro ang pagkakaroon ng matatag na proteksyon laban sa mga banta ng flu at pneumonia, partikular na sa panahon ng taglamig.

#BaliwagCity

#HappyKaarawanGoalsYear9

#45NaSiMayorFerdie