HighFVEsaBarangay Caravan, umarangakada na!

No comments

Serbisyong may malasakit ang dala ng Pamahalaang Bayan sa pasimula ng programang High FVE sa Barangay na idinaos sa Brgy. Makinabang ngayong araw.

Sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, dumalaw ang buong puwersa ng munisipyo upang maghandog ng iba’t-ibang serbisyo na pangkaraniwang dinadayo pa sa mga tanggapan sa pamahalaang bayan.

Mula pagkuha ng cedula, libreng konsulta sa doktor at libreng pananim, hanggang sa libre pampaganda theraphy at bakuna sa aso, lahat ng iyan ay hinandog ng munisipyo.

Sa HighFVEsaBarangay pwede ring ipagpalit ang iyong basura ng pagkain o gamit sa bahay. Maging ang pag-apply upang makasama sa kasalang Bayan ngayong Setyembre at libreng payo sa family planning at usaping legal.

Ayon kay Mayor Ferdie, ito na ang simula ng totoong paglilingkod na dapat maranasan ng mga Baliwagenyo. Nagpasalamat din siya dahil sa mainit na pagtanggap ng kanyang mga kababayan at sa suporta ng mga kagawad ng barangay at mga NGOs sa programang kanilang pinasimulan.

Nakatakdang ikutin ng HighFVE sa Barangay ang nalalabi pang 26 na barangay hanggang sa katapusan ng Setyembre.

adminHighFVEsaBarangay Caravan, umarangakada na!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *