Umabot sa mahigit 1 libong Baliwagenyo mula sa Barangay Calantipay ang nahandugan ng mga libreng serbisyo mula sa mas pinasaya, mas pinalaki, at mas pinatodong High FVE sa Barangay Year 7: Serbisyong may Malasakit Caravan na opisyal nang sinimulan noong ika-11 ng Hunyo.

 

Narito ang mga inihandang serbisyong handog para sa mga Baliwagenyo:

  • Barangay Dalaw
  • Kaagapay ni Nanay
  • Free Medical and Dental Checkup
  • Free Eye Checkup with Eyeglasses
  • E-Consulta Enlisting
  • Mobile X-Ray
  • ZumBaliwag
  • Larong Pinoy for Kids
  • Assistance to Individuals in Crisis Situations (Aics)
  • Alagang Estrella Beauty Caravan
  • Free Micronutrient Powder, Nutribun, Nutripacks
  • Late Birth Certificate Consultation
  • Mobile ID Registration for Senior Citizens, Solo Parents, PWDs
  • Kasalang Bayan Registration
  • Binyagang Bayan Registration
  • Baliwag Trabaho Recruitment
  • Free Hemodialysis Registration
  • Bilis Pasaporte sa Baliwag
  • Katipunan ng Kabataan Registration
  • Talentadong P.T.A.
  • Palit Basura
  • Distribution of Seeds and Free Dogs And Cats Vaccine
  • Family Planning
  • Commodities Distribution
  • Registration for Free Ligation
  • Libreng Almusal

Bukod dito, nahandugan din mga papremyo ang mga Baliwagenyong nakiisa sa unang araw ng High FVE sa Barangay Year 7: Serbisyong may Malasakit Caravan at inaasahang mas marami pang Baliwagenyo ang makikinabang sa mga nasabing serbisyong hatid nito sa mga susunod na araw.

Ang programang ito ay pinasimulan ni Baliwag City Mayor Ferdie V. Estrella noong taong 2016, na naglalayong ihatid ang mga serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag patungo sa iba’t ibang barangay kung saan ayon sa huling tala ay umabot na nang halos 117,776 Baliwagenyo ang naging benepisyaryo nito sa loob ng anim na taon.

#BaliwagCity

#HighFVEsaBarangayYear7