Environmental Education Caravan sa Baliwag Climate Change Center

No comments

Bilang pagpapalawig ng kaalaman at kamalayan patungkol sa mga paksang  pangkalikasan, ang MENRO Baliwag ay naglunsad ng Environmental Education Caravan na isinasagawa sa Baliwag Climate Change Center, DRT Highway, Pagala, Baliwag, Bulacan. Ang mga paksang tinatalakay ay ang mga sumusunod: Tamang pamamahala ng basura  (RA 9003), Climate Change Adaptation & Mitigation, Eco-Livelihood program, Palit-Basura Store at Monthly Clean- Up Drive. Ang naturang EE Caravan ay nilahukan ng iba’t-ibang sektor sa ating lipunan katulad ng mga sumusunod:

Yes-O Clubs   

(ni: Kenneth Merano)

Noong nakaraang Nobyembre 19-24, nakilahok sa EE Caravan ng MENRO Baliwag ang mga magaaral sa elementarya mula sa mga pampublikong paaralan sa Baliwag. Ang mga naturang mag-aaral ay kasapi sa Yes- O (Youth for Environment in Schools Organization) 

 

Club.

Mga Mag-aaral 

(ni: Hazel Bautista)

Nakiisa rin sa EE Caravan noong ika- 23 ng Nobyembre ang mga mag-aaral mula sa Immaculate Conception School of Baliwag.  Napili ng ICSB na isagawa ang kanilang Lakbay-Aral sa Baliwag Climate Change Center kung saan sila ay naging parte ng EE Caravan.        Bukod dito, sila rin ay gumawa ng mga resiklong alkansya mula sa mga plastik na bote ng 1.5 softdrinks bilang bahagi ng kanilang Lakbay-aral.  Gayundin, ito ay bilang pakikiisa sa National Environmental Awareness Month para sa buwan ng Nobyembre.

Mother Leaders at LLN’s

(ni: Ronaldo Cruz)

Isa sa mga programa ng MENRO IEC ang pagbibigay kaalaman tungkol sa mga programang pangkapaligiran. Kaugnay nito, inanyayahan din sa EE Caravan ang pakikiisa ng mga kawani ng barangay katulad ng mga Mother Leaders at Lingkod Lingap sa Nayon (LLN). Sila ay nagmula sa labing-apat (14) na barangay sa Baliwag.

Layunin ng Environmental Education Caravan na makapagbigay-kaalaman at maimulat ang mga Baliwagenyo sa pagbibigay ng halaga sa kalinisan at pagkakaroon ng malasakit sa ating kalikasan. Gayundin, makapagturo ng mga programang pangkapaligiran na angkop sa iba’t-ibang edad at sektor sa ating lipunan.

Mark Anthony MillanEnvironmental Education Caravan sa Baliwag Climate Change Center

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *