Muli na namang rumampa ang mga adorable furbabies suot ang kani-kanilang mga nakakatuwa at malikhaing costumes sa 2nd Baliwag City Dog PAWshion Show na ginanap sa SM City Baliwag nitong May 17.
Sa pangunguna ng Baliwag City Veterinary Services, 23 fabulous dogs ang nagpakitang-gilas sa kani-kanilang OOTD, kasama siyempre ang kanilang proud furparents. Talaga namang certified pawsome ang bawat rampa na punong-puno ng saya, tilian, at wagging tails. Bukod dito, naghandog din tayo ng Free Anti-Rabies Vaccine para sa mga alagang aso at pusa.

Layunin ng programang ito na itaguyod ang responsible pet ownership habang nagbibigay saya sa mga kalahok at manonood. Lubos na nagpapasalamat ang Baliwag City Veterinary Services sa lahat ng sumali at inaasahan nilang muli ang kanilang pakikiisa.

#BaliwagCity
#DogPAWshionShowYear2