

Muling tinangkilik ng mga mamimili ang mga sariwang produkto sa pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo noong Mayo 27, sa Baliwag City Hall Grounds, kasabay ng pagsisimula ng selebrasyon ng Baliwag City Buntal Festival 2025.
Pinangunahan ito ng Baliwag City Agriculture Office, bilang bahagi ng kanilang layuning suportahan ang mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyante. Sa pamamagitan nito, maaaring makabili ang mga mamamayan ng sariwa, de-kalidad, at abot-kayang mga produkto tulad ng gulay, prutas, bigas, at iba pa.
Ito ay isang konkretong hakbang tungo sa pagpapalakas ng agrikultura at lokal na ekonomiya. Ang pakikiisa ng mamamayan ay mahalaga sa patuloy na pag-unlad ng komunidad.
#BaliwagCity
#KadiwaNgPangulo
#BaliwagCityBuntalFestival2025