Cityhood Milestones
History
2016– Isinulong ni Mayor Ferdie ang pangarap na maging lungsod sa kanyang Shared Vision ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag
2017– sinumulan ang paghahanda para makakuha ng mga requirements for Baliwag Cityhood, kabilang dito ang population at BLGF Certification for annual income
2018-2019– Nagkaroon si Mayor Ferdie ng mga serye ng konsultasyon upang ilahad ang hangarin na maging lungsod kasama ang mga barangay leaders and volunteers, ang business community, religious groups, teachers, medical and allied health care professionals, senior citizens, at LGU employees. Bumuo rin lead convenors na kinabibilangan ng mga kinatawan ng mga mahahalagang sektor, at grupong pribado at pampubliko.
Agosto 2020– Naunang inihain nina Cong. Paolo Duterte at Cong. Eric Go Yap ng ACT CIS sa House of Representatives House Bill 7362 na may pamagat na “An act converting the Municipality of Baliwag into a component city of the Province of Bulacan to be known as Baliwag City”
Agosto 2021– Inihain naman Cong. Apol Pancho ang House Bill 9949, ang kanyang version na naglalayon na maisulong rin ang kalusuran ng bayang Baliwag, ito ang tinuring na Mother Bill para sa Baliwag Cityhood.
Agosto 2021– Unang pagdinig sa Mababang Kapulungan para sa kalunsuran ng Baliwag sa pangunguna ni Cong. Noel Villanueva ng Ikatlong Distrito ng Tarlac, Chairman ng House Committee on Local Government.
November 2021– Sa botong 164 panig sa “yes” at 0 abstention at 0 negative votes, ipinasa na ng Kongreso ng Pilipinas ang HB 10444 o Act Converting the Municipality of Baliwag in Bulacan into a component city na nagbigay daan para simulan na itong talakayin sa Senado
December 2021– Unang Senate Committee Hearing na pinangunahan ni Senator Francis Tolentino, chairman ng Senate Committee on Local Government at sponsor ng Baliwag Cityhood para talakayin ang Senate Bill 2462 na iniakda ni Sen Joel Villanueva at House Bill 10444 na ipinasa ng House of Representatives, kapwa nagsusulong ng Baliwag Cityhood
February 2022– Inaprubahan sa 2nd reading ang House Bill 10444, isang araw bago mag-adjourn ang Senado.
May 2022– Naipasa sa 3rd and final reading ang Cityhood Charter ng Baliwag matapos mag-resume ng session ang Senado nitong Mayo. Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Ferdie sa suporta ng 21 na senador na sumang-ayon sa cityhood kasama dito sina Senate Majority Floor Leader at ngayo’y Senate President Miguel “Migz” Zubiri na isinama ang panukalang batas ng Baliwag Cityhood bilang isa sa mga priority legislation ng Duterte administrasyon bago mag-adjourn ang Senado noong Marso, Senador Imee Marcos, Win Gatchalian, Kiko Pangilinan, Bong Revilla, Cynthia Villar, Bato Dela Rosa, Sonny Angara, Risa Hontiveros, Koko Pimentel, Nancy Binay, at Dick Gordon na nagpahayag ng suporta bilang co-sponsor ng Baliwag Cityhood.
July 30, 2022– Naglapse into law ang HB10444, kung kaya naging ganap na batas ito sa bisa ng RA 11929 o an act converting the Municipality of Baliwag in the Province of Bulacan into a component city to be known as the City of Baliwag
Agosto 2022– Disyembre- Umarangkada na ang masigasig na pangangampanya, panliligaw, at pagpapaliwanag ng mga benepisyo para maging ganap na lungsod. Nandyan ang Yes to Baliwag City Caravans sa 27 barangay at piling subdivisions, mga zoom at pocket meetings, House to House, Out of Home Campaign, Social Media, at ang 10 Day Coundown.
December 17– Araw ng Plebisito