City Museum

Email: museum@baliwag.gov.ph

Contact No: 766-1402

Trunk Line: –

Pagbisita sa Museo

URI NG SERBISYO MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO MGA DETALYADONG HAKBANG/PROSESO PANAHONG GUGUGULIN SA PAG PROSESO HALAGA O BAYAD SA PAG PROSESO KLIYENTE
Pagbisita sa Museo Wala
  1. Sumunod sa itinakdang minimum health standard pagpasok sa pasilidad.
  2. Magpatala sa Information Desk. Isulat ang mga kailangang detalye tulad ng pangalan at tirahan.
  3. Kung nais na magkaroon ng pagpapaliwanag tungkol sa eksibisyon ay maaaring humiling na bigyan ng guided tour.
  4. Bago lumabas ay sagutan ang survey/feedback form kung maaari. Pagkatapos ay i-sumite sa Information Desk.

 

  • 5 minuto

 

  • 5 minuto

 

  • 15 hanggang 45 minuto

 

  • 5 minuto

 

Libre Baliwagenyo o Indibidwal

Espesyal na Kahilingan sa Pagbisita sa Museo

URI NG SERBISYO MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO MGA DETALYADONG HAKBANG/PROSESO PANAHONG GUGUGULIN SA PAG PROSESO HALAGA O BAYAD SA PAG PROSESO KLIYENTE
Espesyal na kahilingan sa pagbisita sa Museo
  • Sulat na humihiling ng espesyal na pagbisita
  1. Kung ang pagbisita ay tatapat sa araw ng Sabado, maaaring humiling na magbukas ang Museo. Magbigay lamang sa Museo ng pormal na sulat na naglalaman ng detalye ng pagbisita tulad ng pakay, petsa, oras, at bilang ng mga taong bibisita isang linggo bago ang takdang araw ng pagbisita. Ang serbisyong ito ay para lamang sa grupo na bibisita sa Museo na may bilang na 10 o higit pa na katao.
  2. Hintayin ang pagpo-proseso at aprobasyon.
  3. Kapag na-aprubahan ang kahilingan ay makipag-ugnayan sa Museo para sa pagbisita. Siguraduhing darating sa petsa at oras na hiniling.
  • 1 araw

 

  •  2 hanggang 3 araw

 

  • 10 minuto
Libre Para sa lahat

Video o Photo Shoot sa Museo

URI NG SERBISYO MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO MGA DETALYADONG HAKBANG/PROSESO PANAHONG GUGUGULIN SA PAG PROSESO HALAGA O BAYAD SA PAG PROSESO KLIYENTE
Video o Photo Shoot sa Museo
  • Nasagutang Request to Shoot Form
  • Sulat na humihiling para magamit ang Museo sa photo o video shoot
  1. Sagutan ang Request to Shoot Form na maaaring makuha ng personal sa tanggapan o kaya naman ay online. Ipadala ang nasagutang form kalakip ang sulat kahilingan.
  2. Hintayin ang aprobasyon ng kahilingan.
  3. Sa araw ng photo o video shoot, magpatala ang lahat ng miyembro ng produksyon sa Information Desk bago magsimula ng produksyon. Iwan ang mga gamit sa itinalagang lugar sa Museo upang paglagakan ng mga ito.
  4. Maaari nang simulan ang video o photo shoot.
  5. Kuhanin ang mga gamit na inilagak pagkatapos ng produksyon.
  • 10 minuto

 

  • 5 minuto

 

  • 2 minuto

 

  • Depende hanggang sa matapos ang produksyon
  • 5 minuto
Libre Baliwagenyo o Indibidwal