Housing

30 PAMILYA BALIWAGENYO, BENEPISYARYO NG CFC-ANCOP HOUSING PROJECT

No comments

 

 

 

Tatlumpong pamilyang Baliwagenyo ang napagkalooban ng libreng bahay ni Mayor Ferdie V. Estrella noong ika-8 ng Oktubre, 2018 sa Barangay Piel ng bayang ito.

Itinaguyod ni Mayor Estrella ang libreng pabahay na tinawag na  Starville 4-Tova Vickar CFC-ANCOP Winniper Community katuwang ang Couples for Christ- Answering the Cry of the Poor (CFC-ANCOP) na mula pa sa bansang Canada para sa mga pamilyang  Baliwagenyo na nangangailangan ng maayos na tirahan, partikular ang mga nakatira sa natukoy na geohazard area sa bayang ito.

Ang CFC Bulacan ang siyang nagsuri ng mga benepisyaryo ng nasabing pabahay mula sa listahan na isinumite ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Sa proseso ng pagpili, isinailalim nila ang mga natukoy sa mga gawaing may kinalaman sa pagpapaunlad ng ispiritwalidad ng mga pamilya at nakapaloob sa CFC Program.

Nagdonate ang Pamahalaan ng Bayan ng Baliwag ng lupa para tayuan ng pabahay, at isinaayos ang pagtatambak at right of way, samantalang sinagot naman ng CFC-ANCOP ang konstruksyon sa mga bahay na may maayos na palikuran, lutuan, at lugar para tulugan, kainan at pagsasama-sama ng mga miyembro ng pamilya.

Dumalo rin sa inagurasyon at turn-over ceremony si Bro. Ricky Cuenca na pangulo ng CFC-ANCOP Canada, na siyang instrumento para mailaan ang pondong mula sa mabubuting sponsors sa bayan ng Baliwag.

Ayon kay Brother Ricky, sisikapin niya na mai-raise ang karagdagang pondo para sa development ng Phase 2 ng nasabing housing project.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Mayor Estrella sa katuwang na pribadong organisasyon. Sa kanyang mensahe, binilinan  rin niya ang mga kababayang mapalad na napili na ingatan at pahalagahan ang bahay na inihandog sa kanila.

Ang mga naunang Starville 1, 2 at 3 ay naisakatuparan noong panahon ni dating Mayor Romy Estrella sa Barangay Hinukay at Gawad Kalinga Francoville na matatagpuan din sa Brgy. Piel.

Mark Anthony Millan30 PAMILYA BALIWAGENYO, BENEPISYARYO NG CFC-ANCOP HOUSING PROJECT
read more

Libreng Pabahay handog ni Mayor Ferdie!

No comments

ni Gerard Tolentino SWO-III

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-38th na kaarawan ni Mayor Ferdie V. Estrella ay kinilala ang unang 30 pamilya na magiging benepisyaryo ng itatayong Starville 4 sa Brgy. Piel, Baliwag, Bulacan. Pinangunahan ni Mayor Ferdie at mga representante ng katuwang na Non-Government Organization na Couples For Christ-Answering the Cry Of the Poor (CFC-ANCOP) ang pagbibigay ng sertipiko ng pagpapatunay sa mga benepisyaryo na ginanap noong setyembre 5, 2017 sa Baliwag Star Arena.

Bago ang paggagawad ay napakinggan muna ng mga dumalo ang Ulat Sa Bayan ni Mayor na kung saan ay kanyang iprinesenta ang mga nagawang pagbabago ng kanyang administrasyon  at mga nakamit na pagkilala sa loob lamang ng Isang taon.

Magkatuwang na sinuri ng Municipal Social Welfare and Development Office at Urban Poor Affairs Office sa pangunguna nila  Josephine Lopez at  Eddie San Gabriel ang mga kapus palad at karapat dapat na Baliwagenyo na mabibigyan ng libreng pabahay. Inaasahan na sa susunod na taon ay makakalipat na ang mga pamilyang ito.

Mark Anthony MillanLibreng Pabahay handog ni Mayor Ferdie!
read more

Urban Poor Affairs Unit ipinatatag ni Mayor Ferdie upang tumutok sa pabahay program ng Baliwag

No comments

Ipinatatag ni Mayor Ferdie ang Urban Affairs Unit ng Pamahaalang Bayan ng Baliwag upang tumutok sa lumalaking problema ng pabahay o sheltering.

Matapos idulog kay Mayor Ferdie Estrella ang problemang kinakaharap ng ating mga kababayan sa sektor ng Informal Settler Families (ISF), kaagad siyang nagpabuo ng Urban Poor Affairs Office (UPAO) na sa pamamagitan ni Mun. Admin. Eric Tagle ay madali namang nabuo at napagtibay sa Sangguniang Bayan Ng Baliwag (SB).

 

 

Ayon kay Mayor Ferdie, napapanahon na para bigyan ng maayos at disenteng tahanan ang ating mga kababayang naninirahan sa mga endangered areas na nalalagay sa panganib ang buhay tuwing may kalamidad.
#SerbisyongMayMalasakit#PusongBaliwagDugongBaliwag@UPAOBaliwag#

 

 

Mark Anthony MillanUrban Poor Affairs Unit ipinatatag ni Mayor Ferdie upang tumutok sa pabahay program ng Baliwag
read more