Bukluran Youth Forum 2016, idaraos sa Lunes

No comments
Nakatakdang magtipun-tipon ang mga Student Council Officials at Youth Community Leaders sa isang youth forum kung saan ilalatag ng Pamahalaang Bayan ang mga programa nito na may kinalaman sa nutrisyon and population, health, environment at public order and safety.
Layon nito na ibahagi sa mga Kabataang Baliwagenyo ang mga panimulang pagbabago na ipinatutupad ng Pamahalaang Bayan upang makapagbigay ng akma at maayos na serbisyo.
Inaasahang humigit-kumulang sa 100 kabataan, mga tagpayo at kinatawan ng barangay ang dadalo sa nasabing forum.
adminBukluran Youth Forum 2016, idaraos sa Lunes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *