BILIS PASAPORTE PARA SA MGA BALIWAGENYOS

2 comments

Ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay magtataguyod ng Bilis Pasaporte sa darating na Setyembre 24, 2016.  Nakatakdang ganapin ito sa Baliwag Star Arena, Pagala, Baliwag, Bulacan sa ganap na ika 8 ng umaga hanggang ika 5 ng hapon.  Nilalayon ng programang ito na mapadali ang pagkuha ng pasaporte ng mga Baliwagenyos at mabawasan ang gastusin sa pagpunta sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs.

Ang simula po ng pagsusumite ng mga dokumento para sa pagproseso ng inyong pasaporte ay mula Agosto 01 – Agosto 26, 2016.  Lahat lamang ng aplikasyon na wasto ang pagsasagot at kumpleto ang mga dokumento ang siyang tatanggapin para maiproseso. Narito po ang mga dokumento na dapat dalhin sa araw ng pagsusumite:

NEW APPLICANT:

  • PSA Birth Certificate (Original and Photocopy)
  • PSA Marriage Certificate (For married women only)
  • 2 Valid IDs (Photocopy)
  • 1 Long Brown Envelope

RENEWAL

  • Photocopy of Passport (First and last page & latest arrival/departure)
  • 1 Valid ID (Photocopy)
  • 1 Long Brown Envelope

 

Ang tatanggapin lamang po ay ang unang 400 na aplikante.  Paiiralan po ang polisiya na “First come, first serve basis.” Maghanda po ng 1,200 pesos na magsisilbing processing fee na dapat ninyong dalhin sa araw ng Setyembre 24.

Para sa karagdagang katanungan na may kaugnayan sa bilis pasaporte, mangyaring tumawag sa Tanggapan ng Public Employment o PESO sa 0933-517-7470 o sa ating hotline 0917-505-(STAR)7827.

adminBILIS PASAPORTE PARA SA MGA BALIWAGENYOS

2 comments

Join the conversation
  • Verliza Zapata - reply

    Good day po.ask k lng po kng kelan ulit kyo mgpaprocess ng passport.

    Mark Anthony Millan - reply

    Good day po, mga next year pa po ulit.. salamat po..

    MarkMillan
    MICT Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *