BILANG NG MGA NATULUNGAN NG PROGRAMANG HATID KALINGA, UMABOT NA SA 6,000!

By Published On: February 7th, 2024Categories: Health, News, Senior Citizens, Social
Total Views: 218Daily Views: 3

Mula nang isinilang ang Programang Hatid Kalinga noong taong 2016 sa unang panunungkulan ni Mayor Ferdie, marami na tayong natulungan at nahatiran ng libreng gamot para sa mga Senior Citizens sa Lungsod ng Baliwag. Dahil sa magandang adhikain ng programang ito, patuloy na dumarami at nadadagdagan ang benipisyaryo ng nasabing programa.

Sa tala ng ating City Health Office (CHO), nagsimula sa 2,000 beneficiaries noong taong 2016, ngayong taon ay umabot na sa 6,021 ang bilang ng mga lolo at lola na patuloy na hinahatiran sa kanilang mga bahay ng libreng gamot, at upang tugunan ito, tinatayang 10M halaga ng gamot ang inilaan ni Mayor Ferdie ngayong taong 2024 para maipagpatuloy ang nasabing programa.

Sa pakikipagtulungan ng ating City Health Office (CHO) at Community Affairs Office (CAO), personal na naihahatid sa mga lolo at lola ang libreng suplay ng maintenance medications para sa hypertension, diabetes, cardiovascular dieses, at iba pa. Dahil dito, hindi na kinakailangan magpunta pa ng mga matatanda sa mga health centers dahilan para makatipid sila sa oras, pera, at hindi na mapagod.

Umaasa si Mayor Ferdie na sa mga susunod na taon ay mas marami pang Baliwagenyo ang matulungan ng programang ito – hindi lamang matatanda, maging sa mas maraming klase ng pasyente.

Para sa mga nais magpatala sa ating Hatid Kalinga Program, maaari kayong magtungo sa pinakalamapit na RHU sa inyong lugar o mag-iwan ng mensahe sa ating official Facebook Page.

#BaliwagCity

#SerbisyongMayMalasakit