BCTMO: GABAY SA TRAPIKO PARA SA GAGANAPING PAGTATALAGA SA PAROKYA NG SAN AGUSTIN BILANG PANDIYOSESIS NA DAMBANA

By Published On: February 12th, 2024Categories: News, Public Order and Safety, Religious Activity
Total Views: 749Daily Views: 1

Bukas, Pebrero 13, araw ng Martes, itinakdang italaga ang Parokya ng San Agustin bilang Pandiyosesis na Dambana sa Lungsod ng Baliwag.

Bilang paghahanda sa nasabing programa at upang mapanatili ang kaayusan sa daloy ng trapiko at kaligtasan ng publiko, narito ang ilang mga tagubilin alinsunod sa Atas Tagapagpaganap Blg. 4 na nilagdaan ni Punong Lungsod Ferdie Estrella:

Pansamantalang magkakaroon ng One-way na direksyon ng trapiko upang maiwasan angpagbigat ng daloy ng trapiko sa paligid ng Simbahan ng San Agustin, ito ay ang mga sumusunod:

  1. Racelis St. – patungo sa B.S. Aquino Ave.
  2. Año St. – patungo sa Racelis St.
  3. Buizon St. – mula sa B.S. Aquino Ave.

Para naman sa mga mananampalataya na nais dumalo sa banal na okasyon, magkakaroon ng mga designated parking areas sa paligid ng simbahan para sa maayos na paradahan ng mga sasakyan. Kabilang dito ang mga sumusunod:

LIBRENG PARADAHAN:

  1. Augustine Church Racelis Gate – itinalagang paradahan para sa mga delegasyon ng simbahan at mga opisyal ng publiko lamang.
  2. Kanang bahagi o linya ng B.S. Aquino Ave. mula Chooks to Go/Domino Pizza house hanggang sa St. Agustin Church B.S. Aquino Ave. gate.
  3. Kaliwang bahagi o linya ng Racelis St. mula sa Año St. (likod ng Simbahan ng San Agustin)

MAY BAYAD NA PARADAHAN:

  1. Bakanteng lote – J.M Basa St. (Tricycle Terminal)
  2. Bakanteng lote – Calderon St. (sa likod ng Landbank)
  3. Bakanteng lote – M. Ponce St. (sa likod ng New Mercury Drug Store Outlet)
  4. Parking area – Jetti Gas Station (sa tapat ng RCS Mall)
  5. Parking area – Casa Monique (sa tapat ng bodega ni Cong. Pancho)

Ang mga sumusunod na Kagawaran/Tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ay dapat gumanap ng mga sumusunod na tungkulin at hurisdiksyon para sa maayos na daloy ng trapiko, kalinisan sa paligid, kaligtasan at seguridad ng lahat para sa naturang okasyon, ito ay ang mga sumusunod:

  1. Ang Baliwag City Traffic Management Office (BTMO) ang inaatasan sa pamamahala ng daloy ng trapiko, kaligtasan at seguridad sa mga itinalagang paradahan;
  2. Ang Sanitation Office ang siyang inatasan sa kalinisan ng paligid ng Simbahan;
  3. Ang PNP-Baliwag ang itinalaga na mamuno sa kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng pangkalahatang publiko sa pakikipagkoordinasyon sa mga tauhan ng BTMO at mga barangay tanod; at
  4. Ang mga tauhan ng Fire Department at CDRRMO ang itinalaga naman na mangalaga sa kalusugan at tumugon sa problemang medikal ng mga dadalo sa okasyon.

Ang pangkalahatang publiko at motorista ay pinapayuhan na obserbahan ang sumusunod na karagdagang tagubilin:

  1. Hinihikayat ang mga motorista na iwasan, kung kinakailangan, ang pagbyahe sa kahabaan ng B.S. Aquino Ave. at sa mga kalapit na kalye nito malapit sa Simbahan ng San Agustin upang maiwasan/malimitahan ang maipit sa masikip na trapiko;
  2. Hinihikayat ang lahat ng katoliko na dumalo/sumaksi sa banal na misa na pangangasiwaan ni Reb. Padre Dennis C. Villarojo, Obispo ng Malolos;
  3. Ang mga dadalo sa banal na misa gamit ang kanilang sariling pribadong sasakyan na may kasamang driver ay hinihikayat na bumaba na sa itinalagangbabaan at maglakad na lamang patungong simbahan, at ang kanilang driver naman ay dapat magtuloy na sa kanilang piniling paradahan.
  4. Ang mga sasakyan na hindi na maaaring makaparada sa paligid ng simbahan ay kailangang magpatuloy sa ruta at magtungo sa mga itinalagang paradahan;
  5. Pagkatapos ng Banal na Misa, ang mga dumalo ay maglalakad patungo sa lugar kung saan nakaparada ang kanilang mga sasakyan; at
  6. Lahat ng pribado at pampublikong institusyon na maaaring maapektuhan ang kanilang operasyon ng okasyon na iyon ay hinihiling na payuhan ang kanilang mga tauhan at kliyente na maging maaga upang hindi maipit sa inaasahang traffic mula alas 12:00 ng tanghali hanggang matapos ang okasyon.