Humakot ng parangal ang maikling pelikulang “Bato-bato Pik: Ikaw ba ay taya o matataya” ng Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag, sa Gabi ng Parangal ng Lente Short Film Festival 2024, noong Setyembre 20, sa Lola Sisa Grill & Kambingan Function Hall. Ito ay may temang “Walang kikilos ng masama! Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan,” na naglalayong magtaguyod ng kamalayan ng mga kabataan laban sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Lumahok ang iba’t ibang public and private Senior High Schools sa lungsod, kabilang ang:

  • Bato-bato Pik: Ikaw ba ay taya o matataya – Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag
  • Norem – Virgen Delas Flores High School
  • Haraya – Baliuag University
  • Kapitulo – St. Mary’s College of Baliuag Inc.

Inilunsad ang patimpalak bilang bahagi ng kampanya laban sa droga ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pamamagitan ng City Youth Development Office at City Population Office. Ang nagwaging pelikula ay gagamitin sa mga paaralan bilang bahagi ng anti-drug campaign ng lungsod.

Narito ang mga nagwagi ng pangunahing parangal:

  • 1st Place: Bato-bato Pik (Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag) – ₱30,000 at plaque
  • 2nd Place: Haraya (Baliuag University) – ₱20,000 at plaque
  • 3rd Place: Kapitulo (St. Mary’s College of Baliuag Inc.) – ₱15,000 at plaque
  • 4th Place: Norem (Virgen Delas Flores High School) – ₱10,000 at plaque

Narito naman ang mga nagwagi ng special awards, na nagkamit ng plaque at ₱2,000 para sa kanilang mahusay na talento at pagganap sa kani-kanilang mga pelikula:

Mga Natatanging Parangal:

  • Best Director: Darvin Kin Aning (Bato-bato Pik)
  • Best Actor: Rovi Herrera (Haraya)
  • Best Actress: Isabelle Anne Mendoza (Kapitulo)
  • Best Supporting Actor: Khayzee Andal (Haraya)
  • Best Supporting Actress: Gwen Marie Lacerna (Bato-bato Pik)
  • Best Screenplay: Ayessa Markin Cabrera (Bato-bato Pik)
  • Best Cinematography: Darvin Kin Aning, Rasul Ampato, Caed Santos, Renze Gio Sto. Tomas (Bato-bato Pik)
  • Best Editing: Darvin Kin Aning, Marco Dela Cruz, Caed Santos, Renze Gio Sto. Tomas (Bato-bato Pik)
  • Best Musical Score: Reyden Detanoy (Haraya)
  • Best Poster (Netizen’s Choice): Bato-bato Pik
  • Best Poster (Judges’ Choice): Haraya

Samantala, binubuo ng mga kilalang propesyunal sa larangan ng pelikula ang mga hurado ng patimpalak, kabilang sina Mr. Alfie Landayan, Head ng 3D Motion Graphic & Graphic Design ng Creative Communications & Management Division ng ABS-CBN Corporation, Mr. Michael Cruz, Planning Officer ng Commission on Population and Development Central Luzon Office, at Direk Babyruth Villarama, isang Baliwagenyo na kilalang producer at documentary film director.

Dumalo rin sa gabi ng parangal sina City Administrator Enrique V. Tagle upang magbigay ng pagbati, at Mommy Sonia V. Estrella, sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Mr. Vrent Garcia, na nagpaabot ng kanyang pagbati sa mga nagwagi.

Ang Lente Short Film Festival ay inilunsad ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella upang mas maipakita ang talento ng mga kabataang Baliwagenyo sa larangan ng sining at pelikula.

#BaliwagCity

#SerbisyongMayMalasakit

#Lente2024