Sa ginanap na 45th birthday celebration ni Mayor Ferdie V. Estrella, matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs, katuwang ang Baliwag City Public Employment Service Office (PESO) ang Passport on Wheels na dinaluhan ng 415 applicants, noong ika-6 ng Setyembre, sa Baliwag Star Arena.

Mula sa naitalang 415 applicants, 403 sa kanila ang matagumpay na nakapagproseso ng kani-kanilang mga kinakailangang dokumento upang makapagpagawa at makapag-renew ng kanilang pasaporte.

Lubos na ikinagalak at nagpasalamat ang mga aplikante sa programang handog ni Mayor Ferdie, dahil hindi na nila kinailangan pang gumastos sa pagbyahe sa ibang lugar, walang aberya, komportable, mabilis na proseso, at lahat ay nahandugan ng serbisyo.

Lubos din ang pasasalamat ni Mayor Ferdie sa Department of Foreign Affairs sa suporta na patuloy nitong ibinibigay sa Lungsod at para sa ikagiginhawa ng mga Baliwagenyo.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa pangunguna ni Mayor Ferdie ay patuloy na sinusuportahan ang mga programang tulad nito upang mas mapabilis at maging kapaki-pakinabang sa mga Baliwagenyo. Taon-taon ay kasama ang Passport on Wheels sa maraming #HappyKaarawanGoalsNiMayorFerdie upang marami pang mga Baliwagenyo ang mahatiran ng serbisyo.

#BaliwagCity

#HappyKaarawanGoalsYear9

#45NaSiMayorFerdie