Baliwag CLUP, Pinuri Sa 28th SHDA National Convention
Kyle Jeremy
Baliwag CLUP, Pinuri Sa 28th SHDA National Convention
Kyle Jeremy

“The best CLUP”, ito ang pahayag ni Commissioner Melzar Galizia ng Department of Human Settlements and Urban Development, matapos ang presentasyon ni Baliwag Mayor Ferdie Estrella sa 28th Subdivision and Housing Developers Association (SHDA) na ginanap kahapon, ika-23 ng Setyembre sa Edsa Shangri-La Hotel, Mandaluyong City.
Naimbitahan si Mayor Ferdie na magbahagi ng Comprehesive Land Use Plan (CLUP) experience and best practices sa nabanggit na convention, kasama ang punong lungsod ng Cagayan De Oro City na si Mayor Oscar Moreno.
Sa kanyang presentasyon, ibinahagi ni Mayor Ferdie ang ilang highlights sa paggamit ng lupa sa Baliwag alinsunod sa aprubadong CLUP 2017-2025. Kabilang dito ang pagtaas sa industrial use, mula 22.97 ektarya, naging 175.97 ektarya.
Dinagdagan din ang residential land use mula 852.32 , naging 917.32 ektarya; ang Commercial land use, mula 74.63, naging 90.63 ektarya; ang institutional land use mula 19.66, naging 33.66 ektarya; at inaasahan din na magkakaroon ng mga karagdagang tulay at kalsada, mula 58.47, naging 78.42 ektarya.
Ayon kay Mayor Ferdie, ang mungkahing pagbabago ay ginawa na naka-ayon sa bisyon ng Baliwag na maging sentro ng kalakalan at negosyo, edukasyon at modernong teknolohiya sa Central Luzon.
Umani naman ng papuri at paghanga ang Baliwag sa naging presentasyon ni Mayor Ferdie. Matapos ang 30 minutong paglalatag ng Baliwag CLUP, sinabi ni G. Kerwin V. Padua, pangulo ng Lynville Land Development Corporation “Parang ang sarap mag-invest sa Baliwag.”
Napahanga rin si Bb. Vivian Vestil, manager ng Tuscania CDO, sa mga ibinahaging trailblazing projects ni Mayor Ferdie, ang tanong niya, “Paano ninyo Mayor naisip ang mga proyekto sa Baliwag?” kasabay ang komento na “talagang nakakabilib.”
News Articles