BALIWAG CITY, NAKIKIISA SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL ORAL HEALTH MONTH

By Published On: February 7th, 2024Categories: Health, News
Total Views: 242Daily Views: 2

Ngayong buwan ng Pebrero ay ipinagdiriwang ang National Oral Health Month sa ating bansa. Layon ng selebrasyon na ito na mapalakas ang public awareness patungkol sa kahalagahan ng good oral health.

Kaya naman, nakikiisa ang Lungsod ng Baliwag upang ipagdiwang ang nasabing programa na may temang “Let’s DOH-8! Vision 70-20: Opan Iwas Bungal!”

Sa kasalukuyan, umabot na sa 3,914 Baliwagenyo ang nabigyan ng tulong na may kinalaman sa pangangalaga ng ngipin tulad ng libreng bunot, pagpapalinis, paglagay ng fluoride, pagpa-pasta ng ngipin ng mga bata, buntis, pwds, pati na rin ang mga senior citizens.

Nagpapaalala si City Health Dentist na si Dr. Paulo Jeffrey Dela Cruz sa mga ka-Lungsod na huwag matakot na magpa-konsulta sa mga dentista, kasi mahalaga na mabigyan ang lahat ng nararapat na gamot o dental treatment. Iwasan rin na making sa sabi-sabi ng iba at mainam na komunsulta sa doctor.

Hinihikayat din ni Doc Paulo ang lahat na ugaliing kumain ng mga masusustansiyang pagkain na mayaman sa Protein, Potassium, Fiber, Iron, Zinc, Calcium, at Vitamin A na siyang nagpapatibay ng ating mga ngipin.

Bukod dito, narito ang DOH-8 tips para healthy ang bibig hanggang pagtanda:

  1. Pahalagahan ang oral health
  2. Alamin ang iba’t ibang serbisyong available para sayo
  3. Pag sugar away, walang tooth decay
  4. Ugaliin ang tamang pagsisipilyo
  5. Gawing regular ang pagkonsulta sa dentista
  6. Stay hydrated! Uminom ng sapat na dami ng tubig
  7. Umiwas sa bisyo, iwasan ang alak, sigarilyo at vape
  8. Better pag no betel! Iwasan ang pagnguya ng betel nut o nganga dahil ito ay maaaring magdulot ng oral cancer

Narito naman ang mga Dental Services na handog ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Baliwagenyo:

  • Oral Health Education – ito ay pagtuturo sa mga bata bata at matanda upang mapangalagaan ang kanilang mga ngipin.
  • ART (Atraumatic Restorative Treatment) – isang treatment technique para sa pagpapanumbalik ng mga ngipin sa pamamagitan ng hand instrumentation para sa pagtanggal ng bulok at fluoride-releasing adhesive materials.
  • Outright Urgent Treatment – tulad ng referral systems, extraction (bunot), at iba pang emergency procedures gaya ng minor surgeries at differential diagnosis.

Para sa gustong magpa konsulta o kailangan ng agarang gamutan, Maaari kayong magpunta mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.