Bumisita ang Central Luzon Regional Nutrition Monitoring and Evaluation Team sa Pamahalaang lungsod ng Baliwag kabilang ang kinatawan mula sa National Nutrition Council (NNC) at Department of Agriculture, upang isagawa ang Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) para sa mga programang pang-nutrisyon, nitong ika- 21 ng Mayo sa Social Protection Building na pinangunahan ng Baliwag City Nutrition Office sa pamumuno ni City Nutrition Action Officer Ms. Brenda Balaga.

Sa nasabing pagbisita, masusing sinuri ng evaluation team ang mga datos, at ang anim na dimensyon ng epektibo at matagumpay na pamamahala ng lungsod kaugnay sa nutrisyon: (1) Vision and Mission (2) Nutrition Policies (3) Governance (4) Local Nutrition Committee Management (5) Nutrition Services (6) Changes in Nutritional Status. Kabilang din dito ang mga programang naglalayong sugpuin ang malnutrisyon sa lungsod at palakasin ang kaalaman ng mga Baliwagenyo ukol sa tamang nutrisyon.

Matatandaan na noong Marso ay kinilala ng National Nutrition Council ang Lungsod ng Baliwag bilang Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN), patunay ng mahusay at tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga programang pang-nutrisyon. Ngayong taon, layunin ng lungsod na makamit muli ang parangal at maitalaga bilang Nutrition Hall of Fame Awardee.

Ang Pamahalaang lungsod ng Baliwag ay patuloy ang pagsulong ng mga inisyatibong pangkalusugan at pang-nutrisyon tungo sa isang mas malusog at mas masustansyang komunidad para sa bawat Baliwagenyo.

#BaliwagCity
#BaliwagCityNutrition