Kasabay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, nagdaos ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa pangunguna ng Baliwag City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Disaster Preparedness Comferece amd Memorandum of Understanding (MOU) Signing sa mga katuwang nito para sa mas pinaigting na kahandaan sa kalamidad noong ika-23 ng Hulyo, sa Baliwag Star Arena.

 

Pinangunahan ni Mayor Ferdie ang programa sa pagbibigay ng mensahe. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging handa sa mga panganib, tulad ng natural na kalamidad at man-made hazards. Tinukoy niya ang paghahanda bago ang sakuna, pagtugon habang nangyayari ito, at pag-aayos pagkatapos ay ang tatlong yugto ng disaster management. Pinaalalahanan din niya ang lahat ng stakeholders na magkaisa at makipagtulungan upang mapanatiling ligtas at resilient ang komunidad sa harap ng mga hamon ng kalikasan at aksidente.

 

Kaugnay nito, nakahanda na rin ang iba’t ibang ahensya, kasama ang iba’t ibang sektor ng industriya sa lungsod, sa pamamahagi ng relief goods, pagsu-supply ng kuryente, at pagsagip sa mga mamamayan sa oras ng kalamidad. Nakikipagtulungan din si Schools Division Office of the City of Baliwag (SDO-CB) Superintendent Rowena T. Quiambao, CESO VI, para sa mga paaralan na nagsisilbi bilang evacuation centers.

Bukod dito, nagbahagi rin sina City Administrator Enrique Tagle, CDRRMO Head Marvin L. Castro RN, City Health Office (CHO) Head Dra. Mary Joan Dinlasan, City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Head Gerard Mhel Tolentino, at Engr. Mark Anthony Rivera mula sa City Engineering Office (CEO) ng kanilang mga makabuluhang impormasyon sa pagpapabuti ng disaster response efforts.

Sa pagtatapos ng programa, sama-samang lumagda ang mga katuwang sa mas pinagtibay na kahandaan sa kalamidad kasama ang mga katuwang sa disaster response, medical response, utilities, transportation, and communication, evacuation and stockpile management, clearing and rehabilitation management.

#BaliwagCity

#BaliwagCityDisasterPreparedness