

Isang Kick-Off Meeting at Pledge of Commitment Signing ang idinaos ng Baliwag City para sa Updating ng Comprehensive Land Use Plan ng lungsod para sa taong 2026-2036, noong ika-14 ng Abril, sa Waterwood Park Subdivision.
Pinangunahan ito ni Mayor Ferdie V. Estrella, katuwang ang Baliwag City Planning and Development Office (CPDO), at ang Palafox Associates, isa sa pinakatanyag na urban planning at architectural firm hindi lang sa ating bansa, maging sa abroad, sa pamumuno ni Ar. Felino Palafox Jr.
Sa pamamagitan ng nilagdaan nilang Consultancy Agreement, masisiguro ang mas sistematikong pagbuo ng Comprehensive Land Use Plan, Zoning Ordinance, at Comprehensive Development Plan ng lungsod.
Mahalaga ang kasunduang ito dahil magsisilbi itong gabay sa tamang paggamit ng lupa, urban development, at maayos na pamamahala ng imprastruktura, habang isinasaalang-alang ang kalikasan at kinabukasan ng ating komunidad.
Kasama rin ang kanilang mga katuwang mula sa iba’t ibang sektor upang masigurong ang bawat hakbang na ating tatahakin ay planado, inklusibo, at tumutugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyan at ng mga susunod na henerasyon.
#BaliwagCity
#Palafox
#AlagangEstrella
#SerbisyongMayMalasakit