Kasabay ng selebrasyon ng ika-45 kaarawan ni Mayor Ferdie V. Estrella, nagdaos ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ng Baliwag City Youth Development Office, ng Junior Officials Grand Reunion, noong ika-8 ng Setyembre, na ginanap sa Baliwag Star Arena.

Humigit 100 junior officials alumni, mula batch 2015-2019 at 2022-2024, ang sama-samang dumalo sa nasabing kaganapan, kung saan ay nagbalik-tanaw sila sa iba’t iba nilang mahahalagang karanasan at fun moments bilang mga mag-aaral na kinatawan ng mga opisyales sa Pamahalaang Lungsod ng Baliwag.

Samantala, dulot ng pandemya noong 2020-2021, napiling idaos ang kanilang reunion via online, upang masiguro ang ganap na kaligtasan ng mga alumni. Ngayong taon, ikalawang beses na mula nang unang isagawa ang naturang kaganapan.

Mahalaga para kay Mayor Ferdie na mapukaw ang kamalayan ng mga mag-aaral patungkol sa iba’t ibang tungkulin na ginagampanan ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod kung kaya’t suportado niya ang mga programang tulad nito.

Kabilang din sa mga dumalo at nakibahagi sa programa ay sina Mayora Sonia V. Estrella, Bokal Casey E. Howard, Sangguniang Kabataan (SK) Federation acting President Jerome DP. Gonzales.

#BaliwagCity

#HappyKaarawanGoalsYear9

#45NaSiMayorFerdie