Baliwag City, ibinida ang Disaster Preparedness at Environmental best practices sa LGU Bacnotan
Baliwag City, ibinida ang Disaster Preparedness at Environmental best practices sa LGU Bacnotan

Muling binisita ng Pamahalaang Lokal ng Bacnotan, La Union ang Lungsod ng Baliwag, bilang modelo para sa kanilang benchmarking activity sa disaster preparedness at environmental best practices noong ika-15 ng Nobyembre.

Pinangunahan nina Mayor Divina at Vice Mayor Francis Fontanilla, kasama ang Asosasyon ng mga Kagawad ng Bacnotan, ang pagbisita na tumuon sa mga makabagong programa ng lungsod. Binisita nila ang Baliwag City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), inobserbahan ang operasyon ng Baliwag Central Kalikasan MRF, at kinilala ang Calantipay Gulayan sa Barangay bilang modelo ng urban gardening.

Pinasalamatan ni Mayor Ferdie ang Pamahalaang Lokal ng Bacnotan para sa muling pagpili Baliwag City, sa ikalawang pagkakataon para pagsagawaan ng kanilang benchmarking, na nagpapatunay ng kanilang tiwala sa mga inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag. Dagdag pa niya, laging bukas ang lungsod upang sila ay tanggapin at magbahagi ng kaalaman at best practices.

Samantala, kabilang din sa mga nakiisa sa benchmarking activity sina City Administrator Enrique V. Tagle, kasama sina Konsehal Ogie Baltazar, Joel Pascual, at Bhang Imperial.

Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng kooperasyon at pagpapalitan ng kaalaman sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan upang isulong at palakasin ang mga programa para sa kapaligiran at kahandaan sa sakuna.

 

 

#BaliwagCity

#BacnotanLaUnionBenchmarking