PAANO KUMUHA NG BALIWAG BENEFITS CARD?
Kasalukuyang nagbabahay-bahay ang mga enumerators ng munisipyo ng Baliwag para kunin ang impormasyon na kailangan para sa mga nais kumuha ng Baliwag Benefits Card. Ang ONLINE APPOINTMENT SYSTEM na ito ay ginawa para mabigyan ng pagkakataon ang mga Baliwagenyong pumapasok sa paaralan o sa trabaho na makapag-apply ng kanilang benefits card.
Para sa maayos at kumbinyenteng pag-aapply, sundin lamang ang mga sumusunod:
- Mag-book ng schedule mula sa kalendaryo ng appointments. I-click ang petsa na kayo ay available at pumili ng isang slot. **Isang slot lamang ang maaaring i-book ng isang aplikante. Siguruhing makakapunta sa oras ng iyong appointment.
- Sagutan at kumpletuhin ang mga hinihinging impormasyon na lalabas matapos pumili ng schedule.
- I-submit ang iyong booking request at hintayin ang confirmation sa iyong ginamit na email address. Basahing mabuti ang mga detalye at instructions na nakalagay sa email confirmation.
- Puntahan ang iyong appointment dala ang mga sumusunod na requirements:
Isang primary valid ID
- Passport
- Driver’s License
- NBI Clearance
- Alien Certification of Registration? Immigrant Certificate of Registration
- Unified Multi-Purpose ID (UMID)
- Social Security System (SSS) Card
- Philhealth ID (Digitized PVC)
- Government Office and GOCC ID, e.g. Armed Forces of the Philippines (AFP ID)
- Posta ID (Issue 2015 onwards)
- Integrated Bar of the Philippines ID
Secondary ID
- Police Clearance
- TIN ID
- Barangay Certification
- Government Service Insurance System (GSIS) e-Card
- Senior Citizen Card
- Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
- Seaman’s Book
- Voter’s ID
- Certification from the National Council for the Welfare of Disabled Persons (NCWDP)
- Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification
- Company ID’s issued by Private Entities or Institutions registered with or supervised or regulated either by the BSP, SEC or IC
Frequently Asked Questions
9 comments
Join the conversationRen Ashely R. De Celis -
Hello po. Tanong ko lang po kung maaari kumuha ng benefit card ang estudyante sa edad na 16? Paano ko po sisimulan ang pagkuha? Salamat po sa impormasyon..
Mark Anthony Millan -
Opo, Maari po.. Edad 15 pataas..
Mark Millan
MICTO
Mark Anthony Millan -
Goodday, antayin nalng po natin sa post sa facebook page ni mayor ang releasing ng baliwag benefits card, At magdala po kau ng valid id sa araw ng releasing. salamat po…
Mark Millan
MICT Office
claudine castro -
Hello po pwede ba kahit hindi taga baliwag dito? And then ilang days bago makuha? Isang process lang ba ang sss umid dito? Salmaat!!
Mark Anthony Millan -
Goodday po, hindi po mam/sir sa mga taga baliwag lang po ang Baliwag Benefits Card, Salamat po…
Mark Millan
MICTO
Wil -
Hello! Goodam! San po ba pwede kumuha nang card?
Mark Anthony Millan -
Goodday po, Kailangan nyo po muna mag apply ng Baliwag Benefits Card dito sa Municipyo ng Baliwag. Maraming Salamat po..
Mark Millan
MICTO
Joshua Jacinto Coronel -
Kapag nakalagay na releasing? Pwede na kunin? Or dapat nakalagay na released? At san pwede kunin?
Mark Anthony Millan -
pag nkalagay po na releasing na..
salamat po..
Mark Anthony Millan
MICT Office