Sa ilalim ng pamumuno ng bagong Punong Lungsod na si Mayor Mommy Sonia V. Estrella, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ng kanilang 1st Management Committee (ManCom) Meeting kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang opisina at tanggapan, noong July 9, sa City Conference Room.

Dito inilatag at tinalakay ang mga programa ng pamahalaan para sa mga susunod na buwan, partikular na ang mga programa na isasakatuparan sa loob ng first 100 days.

Bukod dito, pinag-usapan din ang mga reporma sa proseso ng serbisyo publiko, mga konkretong hakbang para mapabuti ang imprastraktura, kalusugan, edukasyon, seguridad, at kapaligiran.

Ayon kay Mayor Mommy Sonia, naninindigan siya na ang mabuting pamahalaan ay nagsisimula sa bukas na komunikasyon, maayos na pagpaplano, at tapat na pamumuno. Dagdag pa niya, asahan ng mga Baliwagenyo ang dedikasyon ng bawat isa sa pagpapatupad ng mga reporma at inisyatiba na tunay na makakatulong para sa kanila at sa pag-unlad ng Baliwag.

 

#BaliwagCity

#AlagangEstrella

#SerbisyongMayMalasakit

#DugongBaliwagPusongBaliwag