Umabot sa 27 Barangay Training and Employment Coordinators (BTEC) ang lumahok sa isinagawang orientation ukol sa Kasambahay Law, alinsunod sa Republic Act 10361, at First Time Jobseekers Assistance Act sa ilalim ng Republic Act 11261, na pinangunahan ng Baliwag City Public Employment Service Office (PESO), sa pamumuno ni Ms. Jennelyn Marcelo-Sabangan, noong ika-24 ng Hunyo sa Brgy. Pinagbarilan.

Layunin ng oryentasyon na ito na palalimin ang kaalaman ng mga barangay volunteers tungkol sa mga batas na tumutugon sa karapatan ng mga kasambahay at benepisyong maaaring matanggap ng mga first time jobseekers at mas maunawaan ang kanilang mga tungkulin bilang BTEC.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, ay patuloy na sinusuportahan ang mga programang nagbibigay ng dagdag kaalaman sa mga BTEC upang maibahagi nila ito sa mga Baliwagenyo sa kani-kanilang Barangay.

#BaliwagCity
#KasambahayLaw
#FirstTimeJobseekersAssistanceAct