

Nagsagawa ng initial planning for the First 100 Days ang mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, nitong Biyernes, June 20 sa Baliwag City Hall Conference Room.
Pinangunahan ni Engr. Ailyn Bondoc ng Baliwag City DILG ang programa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng overview para sa gaganaping transisyon para sa bagong administrasyon at ang isasagawang presentasyon ng bawat pinuno ng mga tanggapan upang iulat ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang opisina sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.
Layunin ng pagtitipong ito na paghandaan ang mga pangunahing programa at gawain ng bagong administrasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy, episyente, at dekalidad na serbisyo publiko para sa bawat Baliwagenyo.
#BaliwagCity
#AlagangEstrella