

Umabot sa 100 Baliwagenyo ang naging benepisyaryo ng Project Local Adaptation to Water Access (LAWA) at Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished (BINHI), sa matagumpay na ceremonial turnover sa risk resiliency program kung saan sila ay tumanggap ng P10,000 cash gift bilang kabayaran sa kanilang 20 araw na aktibong pakikilahok para sa programa, noong ika-13 ng Hunyo sa Jesus Christ the Strong Foundation (JCSF) Church, Brgy. Pinagbarilan.
Ang isinagawang programa ay mga gawaing may kinalaman sa rehabilitasyon na makakatulong sa tamang pamamahala ng tubig, paglilinis ng mga kanal, urban gardening, gulayan sa bakuran at mga gawaing pangkabuhayan. Ang proyekto din na ito ay bahagi ng Cash-for-Training-and-Work ng DSWD na naglalayong palakasin ang partisipasyon ng komunidad sa mga proyektong may kinalaman sa paghahanda sa krisis ng tubig at pagkain habang nagbibigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga Baliwagenyong nangangailangan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office III – Central Luzon, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pakikipagtulungan ng Baliwag City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Baliwag City Agriculture Office, Baliwag City Environment and Natural Resources Office (CENRO), Baliwag City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at Sangguniang Barangay ng Pinagbarilan.
Dumalo at nakiisa rin sa aktibidad ang manunungkulang Punong Lungsod ng Baliwag, Mayor Mommy Sonia Estrella, na nagpaabot ng kanyang mensahe ng pasasalamat at panawagan para sa patuloy na kooperasyon ng bawat Baliwagenyo upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan at ligtas na lungsod.
Samantala, patuloy namang mino-monitor ang mga tanim na gulay at mga estratehiyang isinagawa upang matiyak ang sustainability ng proyekto.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ay nananatiling aktibo sa pagpapaigting ng mga programang nakatuon sa kalinisan, kahandaan at pangkabuhayan para sa mga Baliwagenyo.
#BaliwagCity
#ProjectLawaAtBinhi
#SerbisyongMayMalasakit
#AlagangEstrella