

Naging makulay at makasaysayan ang pagbubukas ng Baliwag Buntal Festival matapos itampok ang mga naggagandahan at puno ng palamuti at disensyong tatak Baliwagenyo na mga karosa sa idinaos na parada ng mga karosa, noong Mayo 27.
Nagsimula ang ruta ng parada sa Brgy. San Jose patungong Baliwag City Hall Grounds. May bilang na 39 karosa ang nakilahok sa parada, bawat isa’y sumasalamin sa pagmamahal sa kasaysayan, sining, kultura at pagkamalikhain ng mga Baliwagenyo.
Isang selebrasyong puno ng kulay, kultura at puso na tunay na ipinagmamalaki ng ating lungsod. Patuloy na isinusulong ang sining at kultura na siyang pagkakakilanlan ng mga Baiwagenyo.
#BaliwagCity
#BaliwagBuntalFestival2025
#TurismoNgBaliwag
#DugongBaliwagPusongBaliwag