Umabot sa 85 Baliwagenyo senior citizens ang unang batch na nakatanggap ng P10,000 cash gift alinsunod sa ilalim ng Republic Act 11982 o Expanded Centenarians Act, na pinangunahan ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) katuwang ang Baliwag City Social Welfare and Development Office (CSWDO), nitong ika-14 ng Mayo sa Baliwag Star Arena.

Ito ay para sa mga edad 80, 85, 90, 95 o ipinanganak sa taong 1930, 1935, 1940 at 1945 na senior citizens sa lungsod ng Baliwag na nagdiwang ng kanilang kaarawan mula buwan ng Enero hanggang Marso 2025.

Para sa mga Baliwagenyo senior citizens na magdiriwang ng kanilang ika-80, 85, 90, 95 kaarawan sa buwan ng Abril hanggang Hunyo 2025 ay maaaring magpasa ng kanilang requirements sa Baliwag City Office of Senior Citizens Affairs (OSCA).

Narito ang mga kailangan ihandang dokumento:
– Senior Citizen ID
– 2 Government Valid ID
– Birth Certificate o PSA kung wala ay National ID
– 1 whole body picture sa A4 bondpaper

Ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pamumuno ni Mayor Ferdie V. Estrella ay patuloy ang pagsuporta sa iba’t ibang programa para sa kapakanan ng mga senior citizens sa ating lungsod.

#BaliwagCity
#ExpandedCentenariansAct