6TH MFVE INTER-BARANGAY BASKETBALL LEAGUE SINIMULAN NA!

By Published On: February 1st, 2024Categories: News, Sports, Youth
Total Views: 564Daily Views: 1

Tiyak na maraming Baliwagenyo ang nag-aabang sa muling pagtatagisan ng iba’t ibang koponan mula sa 27 barangay sa Lungsod ng Baliwag para sa 6th MFVE Inter-Barangay Basketball League.

Kaya naman noong nakaraang Enero 21, 2024, suot ang kanilang mga uniporme ay nagpasiklaban ang 27 koponan ng bawat barangay at nakiisa sa opening program na ginanap sa Baliwag Star Arena, Pagala, Baliwag City, Bulacan.

Pinangunahan ng ating Punong Lungsod Mayor Ferdie V. Estrella ang programa ng isang malugod na pagbati at mensahe para sa mga kalahok na manlalaro pati na rin sa mga kababayan natin na nagtungo upang manood at magpakita ng suporta sa kapwa nila Baliwagenyo.

“Sa pamamagitan ng Inter-Barangay Basketball League ay mas mapapalakas pa ang ugnayan ng mga barangay lalo na sa aspeto ng Unity at Sportsmanship. Ito rin ay upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat manlalaro na ipakita ang kanilang talent at galing sa paglalaro ng Basketball nang sa gayon ay mapaghusayan pa nila ito.”

Nagpaabot din si Mayor Ferdie ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga SK sa kanilang tulong at suporta para sa mga ka-barangay nilang kalahok sa nasabing programa.

Kabilang din sa mga dumalo at nagpakita ng suporta ay sina Congresswoman Tina Pancho, Bokal Casey Howard, Konsi Joel Pascual, Konsi Bhang Imperial, Konsi Kenneth Cruz, SK Fed. Pres. Jerome Gonzales, at ilang Brgy. officials.

Narito naman ang mga premyong naghihintay para sa mga magwawaging Team sa 6th MFVE Inter-Barangay Basketball League ngayong taon.

Champion – 100,000.00

1st Runner Up – 70,000.00

2nd Runner Up – 50,000.00

3rd Runner Up – 30,000.00

Season’s MVP – 5,000.00

Finals MVP – 5,000.00

Best Muse – 10,000.00

Mapapanood ang live broadcast ng bawat laro sa Official Page ni Mayor Ferdie Estrella via facebook live tuwing ika 5 ng hapon.