30 PAMILYA BALIWAGENYO, BENEPISYARYO NG CFC-ANCOP HOUSING PROJECT

No comments

 

 

 

Tatlumpong pamilyang Baliwagenyo ang napagkalooban ng libreng bahay ni Mayor Ferdie V. Estrella noong ika-8 ng Oktubre, 2018 sa Barangay Piel ng bayang ito.

Itinaguyod ni Mayor Estrella ang libreng pabahay na tinawag na  Starville 4-Tova Vickar CFC-ANCOP Winniper Community katuwang ang Couples for Christ- Answering the Cry of the Poor (CFC-ANCOP) na mula pa sa bansang Canada para sa mga pamilyang  Baliwagenyo na nangangailangan ng maayos na tirahan, partikular ang mga nakatira sa natukoy na geohazard area sa bayang ito.

Ang CFC Bulacan ang siyang nagsuri ng mga benepisyaryo ng nasabing pabahay mula sa listahan na isinumite ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Sa proseso ng pagpili, isinailalim nila ang mga natukoy sa mga gawaing may kinalaman sa pagpapaunlad ng ispiritwalidad ng mga pamilya at nakapaloob sa CFC Program.

Nagdonate ang Pamahalaan ng Bayan ng Baliwag ng lupa para tayuan ng pabahay, at isinaayos ang pagtatambak at right of way, samantalang sinagot naman ng CFC-ANCOP ang konstruksyon sa mga bahay na may maayos na palikuran, lutuan, at lugar para tulugan, kainan at pagsasama-sama ng mga miyembro ng pamilya.

Dumalo rin sa inagurasyon at turn-over ceremony si Bro. Ricky Cuenca na pangulo ng CFC-ANCOP Canada, na siyang instrumento para mailaan ang pondong mula sa mabubuting sponsors sa bayan ng Baliwag.

Ayon kay Brother Ricky, sisikapin niya na mai-raise ang karagdagang pondo para sa development ng Phase 2 ng nasabing housing project.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Mayor Estrella sa katuwang na pribadong organisasyon. Sa kanyang mensahe, binilinan  rin niya ang mga kababayang mapalad na napili na ingatan at pahalagahan ang bahay na inihandog sa kanila.

Ang mga naunang Starville 1, 2 at 3 ay naisakatuparan noong panahon ni dating Mayor Romy Estrella sa Barangay Hinukay at Gawad Kalinga Francoville na matatagpuan din sa Brgy. Piel.

Mark Anthony Millan30 PAMILYA BALIWAGENYO, BENEPISYARYO NG CFC-ANCOP HOUSING PROJECT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *