Noong ika-7 ng Hulyo, isinagawa ng 2nd Sangguniang Panlungsod ng Baliwag ang kanilang 1st Regular Session na ginanap sa Mariano Ponce Session Hall, sa pangunguna ng Tagapangulo nito na si Vice Mayor Ferdinand V. Estella.

Dito ay ipinakilala ang samahan ng Liga ng mga Hepe sa lungsod, na magiging katuwang nila sa pagpapatupad ng mga programa at polisiya para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Tinalakay din ang mga internal rules of procedure na magsisilbing gabay sa maayos at epektibong daloy ng bawat sesyon.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Mommy Sonia V. Estrella, ay patuloy na susuporta at aagapay sa Sangguniang Panlungsod para isulong ang mga angkop at makabuluhang batas at ordinansa para sa kapakanan ng bawat Baliwagenyo.

#BaliwagCity

#SerbisyongMayMalasakit

#1stRegularSessionOfThe2ndSangguniangPanlungsod