Pagsasandugo para sa Araw ng mga Puso; Ang Paglagda sa MOA sa pagitang ng Baliwag, Philhealth at Red Cross

No comments

Pinangunahan ni Mayor Ferdie Estrella ang paglagda sa magkahiwalay na Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag at Philippine Red Cross at sa Philippine Health Insurance Corporation noong Martes, Pebrero 14, 2017 sa Conference Room, Municipal Annex Building.

Ang naturang Memorandum of Agreement ay nagpapasinaya ng dalawang pampamahalaang tanggapan sa Bayan ng Baliwag na maging isa sa kanilang Partner Municipalities upang mas mailapit ang kanilang serbisyo sa mas nakakarami. Ang bayan ng Baliwag ang kauna-unahang local government unit sa Lalawigan ng Bulacan at sa buong Central Luzon na magiging collecting agent ng Philhealth.

Sa kasunduan sa Philhealth, ay na itinalaga ng ahensya ang Lokal na Pamahalaan ng Baliwag bilang collecting agent na maaaring tumanggap ng mga kontribusyon ng sino mang myembro ng Philhealth. Malaking pakinabang ito sa mga Philhealth members dahil mas malapit at mas madali na ang pagbabayad nila ng Philhealth contribution. Nakapaloob din sa kasunduan ang pagtanggap ng corporate contribution para sa mga kompanya o ahensya na pamahalaan na malapit sa munisipyo ng Baliwag.

Sa kasunduan naman sa Red Cross ay ang pormal na pagbubukas ng isang blood bank nito sa Baliwag Malasakit Center. Gaya ng mas malapit na bayaran ng Philhealth, ay mas malapit na rin ang pagkukunan ng dugo ng mga Baliwagenyo lalo na kung panahon ng emergency.

Ayon kay Mayor Ferdie Estrella, pangarap niya hindi lamang isang blood bank kundi isang blood center na maitayo sa Baliwag. Ito na aniya ang pasimula para sa katuparan ng pangarap na iyon.

adminPagsasandugo para sa Araw ng mga Puso; Ang Paglagda sa MOA sa pagitang ng Baliwag, Philhealth at Red Cross

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *