Inter-Agency Meeting Isinagawa ukol sa mga Pagbaha.

No comments

Baliwag, Bulacan – Matapos nga ang naranasang pagbaha noong isang taon sa brgy. Tangos at ang mala tag-ulang baha na sinapit ng ating mga kababayan sa Brgy. Santo Cristo ay nagpatawag ng isang Inter-Agency Forum si Mayor Ferdie Estrella upang ugatin ang problema na naranasan ng mga taga Santo Cristo.

 

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa National Irrigation Administration na si Engr. Precioso Punzalan, Brgy Capt. Beth Agtarap ng Bagong Nayon, Brgy Capt. Hemer Ignacio ng Sulivan at kinatawan mula sa Brgy Tangos. Sa panig naman ng Pamahalaang Bayan ay dumalo si Municipal Administrator Enrique Tagle at MPDC Engr. Nemecio De Leon. Hindi naman dumalo ang may-ari ng Ford 88 na inanyayahan sa nasabing pulong upang malinawan ang isang isyu ukol sa ginawang drainage sa kanilang lugar ayon sa NIA pati na rin ang kinatawan ng DPWH.

SANTO CRISTO/Bagong Nayon/Tangos

Ayon kay Engr. Boyli Punzalan, ang pagbaha sa Santo Cristo sa pagitan ng Municipal Cemetery at ng Baliuag Memorial Park ay bunsod sa maling pagkakalagay ng drainage sa gilid ng Villangca Village sa may Living Angels Christian Academy. Ayon sa kanya: “hindi dapat nabuksan ang drainage na ito na ang nais ay palabasin ang tubig mula sa kanto papunta sa irrigation na hindi nangyari dahil sa halip ay lalabas pa ang tubig mula irrigation na mas mataas papunta pababa ng Santo Cristo

Sa Villa Cecilia, Lopez Jaena at Riles ay nagbabaha dahil sa pagkakaipit ng tubig mula sa mga kabahayan palabas sa pamamagitan ng irrigation at bituka ng manok. Sinasabing daraan dapat ang tubig papalabas ng Santo Cristo sa pamamagitan ng natural creek na nilagyan ng hindi kalakihang tosang.

Ang mga nagpapasikip sa daluyan ng creek pati na rin ang pagkatabon sa ilang natural creek ang maituturong dahilan ng pagbaha kung kaya’t bilang pangmatagalang aksyon ay nararapat lang na magkaroon ng pagpapalipat sa mga ilegal na strukturang nakaharang dito.

Basura

Isa sa mga nakita pang dahilan na umiipit sa daloy ng tubig ay ang mga tambak na basura. Maaaring nasarahan na nga nito ang daluyan ng tubig. Ito ang dahilan kung bakit MENRO ay naatasan na higpitan ang pagpapatupad ng mga environmental laws tulad ng ilegal na pagtatapon ng basura ng mga junkshops na nagtatapon ng mga pinagbalatan ng mga lumang refrigerator. Gayun din ang pagpapalawig sa pagtuturo sa mga kabahayan na huwag magtapon ng basura sa irigasyon.

Hakbangin

Upang maibsan ang sitwasyon ng mga taga Bagong Nayon at Santo Cristo ay nais ni Punongbayan Ferdie Estrella na makapagtayo ng isang Technical Working Group na tututok sa pagawain upang mabuhay ang master drainage plan at agarang solusyon ng mga nabanggit na suliranin.

Gawain upang masolusyunan ang problema sa pagbaha:

1. Pagbuhay sa lagusan ng bitukang manok (creek) na natabunan sa ilalim ng bloomingdales

2. Pagalis sa mga nakaharang na struktura sa bituka ng manok

3. Paggawa ng cistern at automatic pump para mabilis na matapon ang tubig

4. Mahigpit na pagbabawal sa pagtatapon ng basura

5. Pagbuhay sa master drainage plan

6. Paggawa ng drainage sa nasabing lugar at itugon sa drainage papalabas ng Tiaong

7. Pagsasaayos ng mga maling drainage na naiwang hindi ginagawa o mali ang pagkakagawa.

8. Pagpapataas ng harang sa mga box culvert

Mark Anthony MillanInter-Agency Meeting Isinagawa ukol sa mga Pagbaha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *