DepEd Inireklamo ang Ilegal na Pagpasok at Paggiba ng kanilang Gusali

No comments

Sta. Barbara, Baliwag, Bulacan – Matapos nga ireklamo ng Department of Education ang ilegal na pagpasok o pagpasok ng walang pahintulot at pag giba nito sa PTA Office ng Sta. Barbara Elementary School, pinaghuhuli umano ng mga operatiba ng PNP Baliwag ang mga naabutang construction workers na lumalabas ay pinahintulutang magtrabaho ni Brgy. Captain Basco Chico subalit ito ay wala namang kaukulang permiso mula sa Department of Education.

{"popup_fix":"false"}

Sta. Barbara, Baliwag, Bulacan – Matapos nga ireklamo ng Department of Education ang ilegal na pagpasok o pagpasok ng walang pahintulot at pag giba nito sa PTA Office ng Sta. Barbara Elementary School, pinaghuhuli umano ng mga operatiba ng PNP Baliwag ang mga naabutang construction workers na lumalabas ay pinahintulutang magtrabaho ni Brgy. Captain Basco Chico subalit ito ay wala namang kaukulang permiso mula sa Department of Educatio

Ayon sa mga trabahador, sila ay mga empleyado lamang ng isang construction firm na inutusan na gumawa doon. Itinuro naman ng contractor na iyon ay proyekto ng CIBAC at iyon umano ang itinurong lupa ni Kapitan Cesar Chico kaya’t inisip nila na iyon ay pag-aari ng barangay. Ang barangay hall ng Sta. Barbara ay nakatayo sa lupang pag-aari ng DepEd. Batay sa regulasyon, ang paggamit sa lupa ng isang institusyon ng pamahalaan ay kailangan may permiso nito.

Hindi umano nila alam na sila ay pumasok sa isang DEPED property.

Naghain din umano ng reklamo ang Department of Education sa Tanggapan ng Punonglalawigan dahil sa stress na kanilang inaabot sa pagpapatawag at pananakot sa kanila ni Kapitan Cesar Chico matapos na magissue ng resolusyon ng pagsuporta ang Parent-Teacher Association ng Sta. Barbara Elementary School. Bunsod ito ng pagpapagawa ng Child Protection Bay at Gate Improvement ng Sta Barbara Elementary School upang ligtas na makababa at makasakay ang mga bata sa tuwing sila ay papasok at lalabas ng paaralan. Bukod tangi nga na ang Sta. Barbara ang naaantala ang paggawa dahil sa mga probisyon na nais ng Kapitan.

Hindi lang Waiting Shed

Higit ngang mas malalim ang isyu na ito tungkol sa waiting shed. Ito ay patungkol sa paggalang sa mga institusyon ng pamahalaan at hindi ang paghariharian na maaring gawin nino man miski tapakan ang karapatan ng iba.

Hindi naman dapat ganyan ang pakikitungo sa mga guro. Hindi pwedeng puro pananakot at pansariling interes ang dapat manaig, ani Mayor Ferdie.

Hindi lingid sa ating kaalaman na matagal ng mayroong isyu ng pagbalewala sa karapatan ng tao dyan sa Sta. Barbara. Pinapasok ang bahay, pananakot at pagpigil sa motorista at pedestrian.

Ang Barangay Wifi na kanyang pinigil, Child-Protection Bay, Bagong Sta. Barbara High School, bagong ECCD Center at bagong Barangay Hall sa bagong biniling lupa sa Aldama ang ilan lamang sa proyekto ni Mayor Ferdie sa barangay Sta. Barbara.

“Ang daming proyektong nakalatag para sa Sta. Barbara pero pilit niyang pinapahirapan ang implementasyon nito sa ating mga kababayan diyan sa barangay. Hindi ko makakalimutan ang napakalaking mandato na ipinaabot sa akin ng Sta. Barbara,” pagtatapos ni Mayor Ferdie.

Mark Anthony MillanDepEd Inireklamo ang Ilegal na Pagpasok at Paggiba ng kanilang Gusali

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *