Binyagang Bayan 2017

No comments

Pinangasiwaan ng Local Civil Registrar Office (LCR) ang Binyagang Bayan sa pangunguna ni Mayor Ferdinand V. Estrella sa simbahan ng San Augustine noong Pebrero 17, 2017 sa ganap na ika- 10 ng umaga. Buwan ng Pebrero ang pagdiriwang ng Civil Registration Month, pinakaaasam ito lahat ng mga Baliwagenyo sapagkat, hindi lamang libre ang pagpaparehistro ng kanilang mga anak kundi simula sa unang hakbang ay nakaagapay lahat ng kawani ng pamahaalan. Lahat ay tulong-tulong sa nasabing programa ng ating butihing Mayor. Kasama rin ang ating Igg. Congressman Apol Pancho, Kosehal Dingdong Nicolas, Konsehal Madeth Quimpo, Konsehal Ron Cruz at Konsehal Ligon sa pagtulong. Dumagsa ang isang daan at limampung (150) baliwagenyo kasama ang kanilang pamilyang nakiisa sa mahalagang pangyayari na ito, dahil nais ng ating butihing Mayor Ferdie na maging aktibo ang lahat sa kaganapan sa ating pamahalaan at makinabang sa kanyang mga proyekto. Naging maayos, masaya ang binyagang bayan at lahat ay nakatanggap ng munting regalo bilang pasalamat sa kanilang partisipasyon sa mga proyekto na nais maging matagumpay ni Mayor Ferdie.  

Karen GonzalesBinyagang Bayan 2017

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *